Aprubado
na para sa ikalawang pagbasa ang resolusyon para sa PIBO-APPO at BTAC.
Ito’y
may kaugnay sa pagkilala ng SB Malay sa mga taga Aklan Public Safety Company at
Provincial Branch Operatives (PIBO-APPO) at BTAC o Boracay Tourist Assistance
Center sa kanilang matagumpay na pag-raid nitong nagdaang buwan sa umano’y
illegal na pasugalan sa isla ng Boracay.
Ang
nasabing resolusyon ay inisponsoran ni SB Member Frolibar Bautista.
Samantala,
ayon naman kay SB Secretary Concordia Alcantara.
Kukunin
din nila ang mga pangalan ng iba pang mga pulis na sumama sa nasabing operasyon,
para mapadalhan ng kopya ng nasabing resolusyon.
Matatandaang
maging si Boracay Foundation President Jony Salme ay nanindigan na dapat walang
lugar sa Boracay ang illegal gambling, kasabay ng pasasalamat sa mga kapulisan
sa pagsugpo sa ipinagbabawal na sugal sa isla.
No comments:
Post a Comment