Ni: Bert Dalida, YES FM Boracay
Isusunod
na ng task force ang iba pang lugar sa Boracay na sakop ng re-development.
Ito
ang sinabi kahapon ni Mabel Bacani ng Task Force Re-development, kaugnay sa
estado ng self demolition sa istraktura ng mga establisemyentong tatamaan ng 25+5
meter easement sa Boracay.
Kung
saan umabot na umano sa pitumpu’t apat na porsiyento ang mga nag-comply o
sumunod sa ipinag-utos ng task force.
Kapag
natapos na aniya ang sa vegetation area ay isusunod na ring linisin ang sa back
beach at iba pang bahagi ng isla.
Samantala,
nilinaw ni Bacani na ang task force ay mananatili sa isla para sa monitoring hangga’t
hindi pa natatapos ang redevelopment, lalo pa’t may CLUP o Comprehensive Land
Use Plan.
No comments:
Post a Comment