Bagama’t nakalusot na sa Senate Committee
Level ang Senate Bill 1186 na ipinasa ni Senator Ferdinand "Bongbong"
Marcos Jr. para ipagpaliban ng SK Polls.
Wala pa umanong natatanggap na anumang
direktiba mula sa Commission on Elections ang Comelec Malay para sa
postponement ng SK Elections.
Ayon kay Malay Comelec Election Officer
II Elma Cahilig
Sumusuporta naman ang buong pamunuan ng
ahensya sa naturang panukala, base na rin umano sa naging pahayag ni Comelec
Dir. James Jimenez.
Ngunit ayon kay Cahilig, wala sa kanilang
mga kamay ang desisyon ukol sa naturang postponement.
Naniniwala ito na sakaling ma-amyendahan
ang Republic Act 9164 na nagsasabing magkakaroon ng synchronized Barangay and
Sangguniang Kabataan elections sa huling Lunes ng Oktubre at bawat tatlong taon
pagkatapos ay saka pa lamang umano maisasakatuparan ang pag-postponed sa
darating na SK Elections.
Pero hangga’t wala pa umano silang
natatanggap na anumang mandato tungkol dito, ay magpapatuloy pa rin ang
kanilang preparasyon para sa nalalapit na Barangay at SK Elections.
Nabatid na layunin ng ipinasang Senate
Bill ni Marcos, na sa halip ngayong taon ang SK Polls ay ipagpapaliban ito sa
2016 kung saan isasabay na lamang sa barangay elections sa huling Lunes ng
Oktubre 2016 o anumang petsa na itatakda ng batas ang SK elections.
No comments:
Post a Comment