Maghahanap
pa ang task force ng eksperto sa kung ano ang nararapat para sa Boracay.
Ito
ang sinabi kanina ni Boracay DOT officer in charge Tim Ticar kaugnay sa desinyo
ng sea wall na ipapalit sa sea wall ng mga taga station 1 owners.
Kahapon
ay nakipagpulong sa Boracay Redevelopment Task Force ang mga nasabing grupo,
upang ipresenta ang idinesenyo nilang sea wall.
Nag-aalala
umano kasi ang mga ito na kapag tinanggal ang kanilang sea wall ay baka maapektuhan
ang kanilang mga gusali at buong propidad.
Dahilan
upang lumapit ang mga taga station 1 owners sa Boracay Redevelopment Task
Force.
Subali’t
ayon kay Ticar.
Hindi
masyadong napag-aralan ang inilatag nilang desinyo kung kaya’t kailangan ng
task force ng eksperto para dito.
Samantala,
masaya umano ang task force na humihingi sa kanila ng tulong ang mga nasabing
establishment owner.
http://vimeo.com/5469231
ReplyDelete