Umabot
na sa pitumpo’t apat na porsiyento ang mga nagcomply sa self demolition kaugnay
sa 25+5 meter easement.
Ito
ngayon ang kinumpirma ni Mabel Bacani ng Task Force Redevelopment, matapos ang
ilang araw na pagbaklas ng mga establisemyento ng kanilang temporary structures
sa vegetation area ng Boracay.
Ang
pitumpo’t apat na porsiyento umanong ito ay base sa naitala nilang datus
hanggang nitong nagdaang araw ng Linggo, simula nang ibaba ng Task Force ang
pitong araw na palugit para sa self demolition.
Samantala,
ayon pa kay Bacani, Ang
natitirang dalawampu’t anim na porsiyento naman ay nakatakda pang pagdisisyunan
matapos ang kanilang pagpupulong ngayong umaga.
Maaari
umano kasing i-ocular inspection, o isailalim sa hearing and review ang mga
ito, dahil sa tinatawag na development history.
Maliban
dito, rerepasuhin din ang mga bagong desinyong ilalatag ng mga establisemyento,
matapos ang kanilang self demolition.
No comments:
Post a Comment