Ininspeksyon
nitong umaga ng isang Japanese expert ang Solid waste management system ng
Boracay.
Ayon
kay Boracay DOT Officer Tim Ticar.
Ang
nasabing inspeksyon ay may kaugnayan sa matagal nang problema sa basura sa isla
na kailangang masolusyunan.
Kung
saan isa sa itinuturong dahilan ni Ticar ng pagdami ng basura ay ang pagdagsa
ng turista na higit pa sa kanilang inaasahan.
Sa
pagtataya umano kasi ng mga taga JICA o Japan International Cooperation Agency,
ay maaabot na ng Boracay ang 1 million tourist target nito sa taong 2016.
Subali’t
nitong 2011 pa lamang ay naabot na ito ng isla, na sinabayan din ng pagdami ng basura.
Kaugnay
nito,nakipag-usap na ang national office ng Department of Tourism sa isang Japanese
expert para mapag-aralan ang naturang problema.
Samantala,
alas nuwebe nitong umaga nang dumating ang grupo ng Japanese expert at nakipagkita
kina Mayor John Yap, sa mga taga MRF o Material Recovery Facilities ng tatlong
barangay sa isla, at Boracay Island Water Company.
No comments:
Post a Comment