Umaangal
na ang mga taga MABOVEN o Malay Boracay Vendors Association sa mga illegal na
masahista sa Boracay.
Ayon
kay Malay SB Member Jupiter Gallenero.
Nagpapatulong na sa kanila ang grupo ng mga lehitimong masahista sa isla laban sa mga
tinatawag na fly by night.
Nakakasira
na umano kasi sa kanilang reputasyon ang mga fly by night na tumatambay sa
vegetation area at nag-aabang ng mga turista.
Sinasabing
ang mga masahistang ito ay nagbibigay ng kanilang “service with a happy
ending”.
Samantala,
sa SB session kaninang umaga, ay iminungkahi ni Vice Mayor Wilbec Gelito na
iparating ang bagay na ito kay Mayor John Yap upang pakilusin ang mga MAP o
Malay Auxiliary Police para masawata ang nasabing aktibidad.
Ayon
pa kay Gallenero, umaasa ang mga taga MABOVEN na maaaksyunan ng kinauukulan ang
kanilang hinaing.
No comments:
Post a Comment