Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Muling
lalarga ang operasyon ng Task Force Save Bolabog.
Ito
ang kinumpirma kahapon ni Municial Engineer Elizer Casidsid, matapos maantala
ang kanilang de-cloging at paglilinis sa mga illegal na koneksyon sa drainage
system doon.
Ito’y
kasabay din ng kanyang pagtanggi sa kuwento na nasapawan na ng 25+5 meter
easement ang kanilang proyekto.
Ayon
kay Casidsid, na-operate na rin naman ang de clogging doon, subali’t lumipat na
umano sa ibang lugar ang taong incharge sa pagbibigay sa kanila ng report.
Bagay
na kailangan na naman nilang magpulong para mapag-usapan ang mga susunod na
hakbang ng Task Force, kasama ang contractor ng de clogging.
Ang
nasabing Task Force Save Bolabog ay matatandaang inatasan ni Mayor John Yap
upang iligtas ang beach doon sa pagkasalaula at pagkasira.
No comments:
Post a Comment