Magpupulong
ngayong araw ang mga taga Task Force Redevelopment at station 1 owners para sa
alternatibong desinyo ng sea wall.
Kasama
kasi ang mga sea wall na ito sa mga tinatawag na illegal structures na
kailangang tanggalin sa beach front.
Kung
kaya’t ayon sa Boracay Task Force Redevelopment.
May
ipipresentang desinyo ang mga taga station 1 owners na kailangan ding
pag-aralan ng mga taga national task force.
Sinasabing
ang desinyong ito ay hindi magmumukhang sea wall.
Sa
halip ay nagha-harmonize o nakikiisa pa nga umano ito sa beach front, dahil matatabunan
ito ng buhangin kapag panahon ng amihan at makikita naman kapag habagat.
Samantala, kinikilala naman umano ng task force ang inisyatibong
ito ng mga taga pribadong sektor, lalo pa’t sila ay magkasama sa ikakaunlad ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment