“Dapat mayroong parang
ambulance na naka-antabay lalong-lalo na sa gabi”!
Ito ang naging pahayag kahapon
ni PO1st Condrito Alvarez Jr. ng Coastguard Sub Station Boracay, kaugnay sa
kawalan ng bangkang magagamit sa pagtawid ng pasyente sa gabi.
Kinumpirma ni Alvarez ang
problemang ito sa layunin na sana ay mabigyan sila sa PCGA ng bangka na parang
ambulansya na puwedeng gamitin anu mang oras sakaling kinakailangang may
i-evacuate na mga pasyente.
Pagdating umano kasi sa pier ay
pahirapan sila sa paghanap ng bangka dahil paglagpas ng alas diyes ng gabi
da-dalawa lamang ang naka-scheduled na 24 hours ang biyahe.
Ang masaklap, sila pa ang
sinisingil ng mga bangkang ginagamit nila sa kanilang ''evac'' operation.
Ito anya lagi ang kanilang
problema sa tuwing may pasyenteng dapat na itawid sa mainland.
Sakali umanong matupad ito ay
mas madali na ang kanilang magiging operasyon sa pag-evacuate na mga pasyente.
Samantala ang bagay na ito ay
inilapit na rin ng coastguard kay DOT Officer in charge Tim Ticar sa ginanap na
consultative meeting nitong Huwebes.
Kaya naman nangako si Ticar na makikipagpulong siya kasama ang Philippine Coast Guard Auxilliary ) at ang CBTMPC (Caticlan-Boracay Transport Multi-Purpose Cooperative) sa problemang ito.
No comments:
Post a Comment