Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Wagi ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa
ginawang Baranggay Action Team Documentation sa buong Region 6.
Ayon kay Police Community Relation Officer PO3 Cristopher
Mendoza, sa darating na Lunes ay tutungong probinsya ng Iloilo si PNP Chief
P/Insp. Joeffer Cabural at ang Punong Barangay ng Manoc-manoc na si Abram
Sualog para tanggapin ang nasabing parangal.
Nasungkit nila ang 1st place bilang Best Barangay Peace Action Rural Category sa buong Region 6.
Sa kanila umanong ginawang dokumentasyon ay idinetalye
nila ang mga kaganapan sa Boracay sa kabila ng kanilang pag-seserbisyo sa
publiko.
Dagdag pa ni Mendoza, ang nasabing parangal ay para sa
lahat ng mga taga-Boracay at sa mga turistang pumupunta dito.
No comments:
Post a Comment