
Ayon kay Boracay Island Administrator Glenn SacapaƱo, natutuwa ito dahil may mga taga-ibang lugar pa na pumupunta sa isla ng Boracay para makita ang MRF Balabag.
Katunayan, kahapon ay bumisita doon ang mga taga-LGU El Nido, Palawan para maglakbay-aral sa MRF.
Kinumpirma din nito na tuwing linggo ay may mga taga iba’t-ibang lugar ang pumupunta doon upang pag-aralan at i-adopt ang mga ideya ng MRF Balabag kaugnay sa proper waste segregation.
Ang kagandahan pa umano nito ay ang lahat ng mga ideyang makakatulong ay ina-adopt din LGU Malay.
Samantala, maliban pa sa MRF Balabag, dinadayo din umano ng mga taga iba’t-ibang lugar ang sanitary landfill ng Malay.
No comments:
Post a Comment