Ni Alan Palma, YES FM Boracay
Pitong araw lang ang ibinigay ng Boracay Re-development
Task Force sa mga naglatag ng illegal na straktura sa vegetation area.
Magsisimula ito ngayon araw Agosto a bente-uno hanggang
Agosto bente-otso.
Ito ang hiniling ng task force sa isinagawang pulong ngayong
araw kung saan ipinatawag ang mga nakitaan ng paglabag .
Ilan sa mga pinapatanggal ay ang mga tent ,beach hut ,
stage structure at mga strakturang pasok sa 25+5 easement.
Ayon kay SB Member Rowen Aguirre ng Committee on Laws and
Ordinances ,ang tanging pahihintulutan lamang ay ang mga mesa at silya na
pwedeng ilatag simula alas singko ng hapon hanggang alas-sais ng umaga.
Sakaling hindi sumunod ang mga lumabag sa itinakdang
deadline ,ang task force na mismo ang tatanggal at maaring humantong sa closure o revocation ng business permit.
Dumalo ang mahigit kumulang limampung negosyante at
representante para dinggin ang prosesong gagawin ng Boracay Re-development Task
Force.
Ito ay naayon na rin sa kautusan ng palasyo para sa
pag-preserba ng Isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment