Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nag-paalala ngayon ang life guard tungkol sa mga naliligo
sa Boracay rock o mas kilala bilang Willy’s rock.
Ito’y may kaugnayan sa naging pahayag kahapon ng isang
life guard na mismong nakakasaksi sa mga pangyayari doon.
Ayon kay
Boracay Life Guard Supervisor Miguel “Mike” Labatiao, pinagtutuunan nila ito ng
atensyon at may mga itinalaga narin silang mag-babantay dito kabilang na ang
mga trainee na rescuer para e-monitor ang mga taong pumupunta doon.
Malimit umano
kasi ang nangyayaring aksidente sa nasabing lugar dahil sa kung malakas ang
alon ay hinuhukay ng tubig ang buhagin sa ilalim ng napakalaking bato, dahilan para
mas lumalim pa ito at malunod ang ilang mga naliligo doon.
Ang
nasabing Willy’s rock ay tanyag at tinaguriang land mark ng isla dahil sa
magandang formation ng malaking bato at may nakalagay na grotto ng imahe ni Birheng
Maria na dinadayo ng mga turista para magpakuha ng litrato.
Samantala,
pinaalalahanan naman nito na maging maingat ang lahat ng mga pumupunta doon
lalo na kung may kataasan ang tubig at malakas ang alon para maiwasan ang
disgrasya.
No comments:
Post a Comment