Ni Jay-ar M. Arante and Bert Dalida, YES FM Boracay
Hiniling ngayon ng SB Malay ang boluntaryong pagbaklas ng
mga establisemyentong tatamaan ng 25+5 easement sa isla ng Boracay.
Ayon kay SB Member Rowen Aguirre, Committee Chairman on
laws, Ordinances, Rules and Privileges, mas makakabuting ang mga establisemyentong
ito ang kusang magtanggal ng kanilang mga istraktura na tatamaan ng 25+5 meter
easement.
Ang mga gamit umano kasi nilang matatanggal ay puwede pa
nilang magamit sa mga lugar na hindi bawal kesa naman kumpiskahin lamang ng LGU
Malay.
Dapat na huwag din umano nilang hintayin ang pitong araw
na ibinigay sa kanila para magbaklas ng kanilang mga istraktura.
Iginiit pa ni Aguirre na kailangang maipatupad ito sa
lalong madaling panahon upang hindi naman maapektuhan ang indudtriya ng turismo
sa isla.
Ilan umano sa mga pinapatanggal ng Boracay Re-development
Task Force ay ang mga tent, beach hut, stage structures at iba pang
istrakturang pasok sa 25+5 meter easement.
No comments:
Post a Comment