Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayon kay Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño, ang
mismong pamahalaang probinsya na ng Aklan ang tutulong upang madagdagan ang
manpower ng mga MAP sa Boracay.
Ang kagandahan pa umano nito ayon kay Sacapaño, ay bente
kuwatro oras na ang trabaho ng mga MAP.
Tinatayang nasa limampung personnel ang idadagdag ng
provincial government na ikinatuwa naman ng administrador.
Samantala, kinumpirma din ni Sacapaño na ang mga
karagdagang MAP na ito ay magtatrabaho sa Boracay, sa ilalim ng LGU Malay.
Sa kasalukuyan, nasa mahigit limampu lamang ang mga
miyembro ng MAP sa isla.
No comments:
Post a Comment