Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dahil sa hindi maganda ang kundisyon ng karagatan hindi
muna ilalagay ng Life guard Boracay ang mga boya na ginagamit sa dagat bilang
palatandaan na pweding maligo sa nilalagyan nito.
Ayon kay Boracay Life Guard Supervisor Miguel “Mike”
Labatiao, hanggat hindi parin maganda ang kundisyon ng karagatan ay hindi parin
nila ito ibabalik sa ngayon.
Aniya, may mga nilagay naman silang signage na no swimming
sa ilang lugar sa front beach upang maging alerto ang mga turista dito.
May mga life guard naman umano sila ng Red Cross at ng
lokal na pamahalaan ng Malay na nakaantabay para magbantay kung sakaling may
mga maliligo parin.
Dagdag pa ni Labatiao, Ibabalik naman nila ang nasabing
Boya pag medyo naging maganda na ang panahon at ang karagatan.
Samantala, nanawagan naman ito na kung maari ay wala
munang maliligo ngayong tanghali dahil simula nitong alas-dose ay may pagtaas
ang tubig sa dagat o high tide at may paglaki ang mga alon.
No comments:
Post a Comment