Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naging problema umano ng Comelec Malay ang ilang mga
nagparehistrong botante nitong mga nakaraang linggo para sa Baranggay at Sk election
sa Oktobre bente-otso.
Ayon kay Malay Comelec Election Officer II Elma Cahilig,
ilan sa mga naging problema nila ay ang mga nagparehistrong kabataan na hindi
pa tama ang edad para bomoto.
Sa kanila umanong rekord nakita din nila ang ilang mga
nagparehistro ay rehistrado na rin sa pala sa ibang lugar.
Aniya, mabusisi nila itong pinag-tutuunan ng pansin para
maiwasan ang anumang dayaan sa oras ng eleksyon at reklamo mula sa ilang
botante na nagpaparehistro ng tama.
Dagdag pa ni Cahilig, hindi nila papayagan na mangyari
ang ganitong mga bagay sa kanilang tanggapan lalo na’t mainit ang nasabing
halalan sa bansa.
Maari din umanong invalidate ang mga nagparehistrong
botante na hindi sumusunod sa tamang regulasyon ng Comelec.
Samantala, pinaghahandaan naman ngayon ng Comelec Malay ang
filing of candidacy ng mga tatakbong kandidato sa barangay at SK elections na
gaganapin mula Oktobre a-kinse hanggang dise-siyete ng taong kasalukuyan.
No comments:
Post a Comment