Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Masaya ngayon ang Boracay tourist assistance center
(BTAC) dahil sa pagkapanalo nila bilang best Baranggay peace action team sa
buong Region 6.
Ayon kay Boracay PNP Chief PS/Insp. Joeffer Cabural, Ikinatuwa
niya ang bagong karangalang ito ng BTAC dahil sa kabila umano ng mga nangyaring
krimen at insedinte ay napapanatili parin nila ang kaayusan sa isla.
Pina-pili din umano sila ng isang Brgy. na magiging
representanti sa naturang parangal at dito ay napili nila ang Brgy. ng Manoc-manoc.
Nitong lunes ay nagtungo sa probinsya ng Iloilo si
Cabural at si Brgy. Captain Abram Sualog para tanggapin ang nasabing parangal.
Sinabi naman ni Police Community Relation Officer PO3
Cristopher Mendoza, na sa kanila umanong ginawang dokumentasyon ay idinetalye
nila ang mga kaganapan sa Boracay.
Dagdag pa ni Cabural, ang nakuha nilang parangal ay hindi
lamang umano para sa Brgy. Manoc-manoc kundi para na rin sa buong isla ng
Boracay.
No comments:
Post a Comment