Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasado na umano sa gagawing siguridad ang Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) para sa nalalapit na Brgy. at Sk election sa Oktobre.
Ayon kay Police Community Relation Officer PO3 Cristopher
Mendoza, may mga preperasyon na rin silang ginagawa para dito katulad noong nagdaang
National election nitong buwan ng Mayo.
May mga mag-aantabay naman umanong mga kapulisan sa ilang
paaralan dito sa isla ng Boracay na pagdadarausan ng eleksyon.
Aniya, mas lalo naman umano nilang paiigtingin ang
kanilang gagawing siguradad lalo na at hindi naman PCOS machine ang gagamitin.
Dagdag pa ni Mendoza, pagtutuunan din nila ng pansin ang
ipinatutupad ng Comelec na gun ban tatlumpung araw bago sumapit ang eleksyon.
Nauna namang sinabi ng Comelec na magiging mano-mano
nalang muna ang eleksyon ngayon dahil sa kakulangan nila ng oras at pondo para
dito.
No comments:
Post a Comment