Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay
Ganito rin inihalintulad ni MRF Monitoring Officer Divy
Casidsid ang sitwasyon ng beach sa Barangay Yapak.
Ngunit dahil sa pagtutulungan ng mga beach cleaners,
vendors, mga residente ng lugar at ng mga taga MRF ng nasabing barangay ay unti-unti
nang nababawasan ang mga basura doon.
Dagdag pa ni Casidsid, isang truck ng basura ang kanilang nahakot
noong Sabado at hanggang kahapon patuloy pa rin ang operasyon linis ng mga ito.
Kakaunti lang kasi ang mga tao sa MRF Yapak sa ngayon
dahil sa hiniram ni Island Administrator Glenn SacapaƱo ang mga ito upang tumulong
sa paglilinis sa long beach.
Samantala, nakiusap naman si Casidsid sa iba pang mga
residente na tumulong na lang sa paglilinis ng mga basura na dala ng habagat,
at huwag na lang sana umanong maliitin ang mga barangay officials.
No comments:
Post a Comment