Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Iinspeksyunin ng APEC evaluators ngayon ang ilang lugar
sa probinsya ng Aklan kabilang na ang isla ng Boracay.
Ito’y may kaugnayan sa paghahanda sa hosting ng Asia Pacific Economic Conference (APEC) sa 2015.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-Charge Tim Ticar, dumating
kaninang umaga ang APEC Evaluators para mag-ikot sa ilang lugar sa Aklan na
posibleng puntahan ng mga kalahok nito.
Aniya, kung sakaling may mga kailangan ayusin sa mga lugar
na kanilang iinspeksyonin ay gagawan nila ito ng rekomendasyon para maayos.
Ilan naman sa mga pangunahin nilang titingnan ay ang pasilidad
ng Kalibo International airport, Caticlan Jetty Port at ang panghuli ay ang
isla ng Boracay.
Dagdag pa ni Ticar, hindi pa siya umano sigurado kung
kailan naman gaganapin ang meeting para dito sa Boracay dahil naka dependi
parin naman umano ito sa pag-iinspeksyon ng APEC.
No comments:
Post a Comment