Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hinihintay pa ngayon ng Boracay National High School ang
renobasyon ng kanilang mga silid-aralan na patuloy paring pinapasok ng tubig-baha.
Ayon kay Boracay National High School Prinicipal II Jose
Niro Nillasca, may pondo na ang lokal na pamahalaan ng Malay para tuluyan ng
masolusyonan ang nasabing problema.
Sa ngayon umano ay patuloy paring pinapasok ng tubig ang
kanilang paaralan lalo na’t mababa ang lugar na kinatatayuan nito.
Aniya, nakakatulong naman ang pagpapadala ni Balabag Barangay
Captain Lilibeth SacapaƱo ng siphoning machine para higupin ang tubig-baha sa nasabing
paaralan.
Dagdag pa nito, nakapag-conduct na rin ng inspeksyon ang
opisina ng engineering office ng Malay para tingnan ang maaring gawin sa mga
silid aralan.
Balak din umanong taasan ang flooring ng mga sahig sa
kwarto para kahit papano ay hindi ito mapasok ng tubig.
Nagpapasalamat naman si Nillasca, dahil kahit papano ay
naayos na ang daanan sa Bolabog na madalas din ay binabaha at nadadamay ang
kanilang paaralan.
No comments:
Post a Comment