YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 07, 2013

Task Force Moratorium on Building Construction sa Boracay, paso na

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Simula nitong a-uno ng Marso ay tapos o paso na ang Executive Order # 2012-003 kaugnay sa Task Force Moratorium on Building Construction sa Boracay.

Ganoon pa man, sinabi ni Malay Municipal Planning Officer Alma Beliherdo na wala pang inilalabas na kautusan si Mayor John Yap kung palalawigin o i-extend pa nito ang EO.

Pero ayon kay Beliherdo, nakasaad naman umano sa Executive Order na ang Task Force Moratorium na ito ay na maaaring ma-i-extend hangga’t hindi pa naaayos ang mga problema sa isla.

Lalo na at hindi pa maitatama ang mga mali-maling gusali o illegal na istaktura sa Boracay.

Kung maaalala, buwan din ng Marso noong 2012, ay inilunsad ng LGU na pingungunahan ng mga Building Official sa Malay ang Task Force sa Boracay.

Ito ay sa pakikipagtulungan na rin ng iba’t ibang sector gaya ng ang mga opisyal at Volunteers ng Barangay sa isla, awtoridad, Non-Government Organization o NGOs at mga stakeholders.

Ang Task Force ay naglalayung mabantayan o ma-monitor ang bagong establishemento sa isla, at ma-inventory ang mga gusali upang makita kung sino at ano ang lumabag sa Building Code at Ordinansang ipinapatupad sa Boracay, makaraang maging isyu ang isla sa national TV dahil sa mga nagsulputang iligal na mga gusali at istraktura.

No comments:

Post a Comment