Kung gaano katensiyunado ngayon sa Sabah, Malaysia, ganoon din ka-tensiyunado ngayon sa isla ng Boracay.
Mula sa pagkakapatay kay Boracay Ati Community Spokesperson Dexter Condez, dahil umano sa agawan ng lupa, na hindi pa natapos sa ngayon dahil heto pa at dalawang lupain din ngayon sa Boracay ang nabalot ng tensiyon, dahil din sa kahalintulad na pag-aagawan.
Una ditto, Lunes ng umaga ay nagkaroon ng tensiyon sa area ng Balinghai, Brgy Yapak sa ginta ng pamilya ni Yapak Punong Barangay Hector Casidsid at negosyanteng si Elena Brugger makaraang magpa-ulan umano ng bala ang mga guwardiya na tumagal ng halos tatlumpong minuto Lunes ng gabi.
Kahapon ng umaga naman, isang land dispute din ang pumukaw sa ilang residente lalo na sa naka-posisyon sa isang resort sa Mouth Luho Barangay Balabag, dahil sa sinugod din ang mga ito ng sherriff para magsilbi ng order, kaya nagkaroon din ng tensiyon.
Kasabay nito ay ang mahigit 30 pulisya naman mula sa Aklan Police Provincial Office (APPO) para bantayan at panatilihin ang seguridad ng lahat na nasa area, ngunit kahapon ng hapon ay agad din itong naayos.
Ganoon pa man, ayon kay S/Insp. Fidel Gentallan, Deputy ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC, ay nahirapan din silang sa sabay-sabay na pangyayaring ito, lalo na at kulang pa rin sila sa tao.
Subalit lahat naman umanong ito ay ginagawan nila ng paraan upang matugunan.
No comments:
Post a Comment