“Kawawa naman ang
kontraktor ng Municipal Land Fill ng Malay kapag hindi nabayaran, gayong may kapital
na silang nailabas dito.”
Ito ang inihayag ni Engr. Arnold Solano, Special Project
Officer ng Malay, kaugnay sa balak na pangu-ngutang ng LGU para pambayad sa
balanse ng bayan sa kontraktor.
Ayon kay Solano, bagamat naka-loan na dati ang LGU, pero
hindi umano sapat ang nauna ng na grant kaya muli ay bibigyan ng Sangguniang
Bayan ng Malay ng awtorisasyon si Mayor John Yap na makipagnegosasyon para sa
panibagong loan na mahigit P25-milyon.
Ayon kay Solano, ang Proyektong Land Fill ng Malay ay
nagkakahalaga ng tatlumput walong milyong piso, pero ang nautang lang nila dati
at mahigit labin limang milyong piso lamang.
Nilinaw din nito na sa ngayon ay maayos namang nagagamit ang
Land fill, makaraang nitong nagdaang taon ng 2012 ay sinasabing hindi kinayang imbakan
ng mga residual na basura mula sa Boracay.
No comments:
Post a Comment