Dalawang kaso ng pagkalunod ang naitala sa Boracay kahapon ng hapon ika-6 ng Marso.
Una rito, ideniklarang dead on arrival o DOA ni Dra. Michelle Depakakibo ng Boracay Hospital ang isang 21-anyos na Chinese National na si Ye Win.
Ito ay makaraang nakitang nakalutang na sa tubig sa Diniwid Beach sa Boracay na pinaniniwalang nag-snorkeling.
Nang i-ahon na umano ito sa tubig ng dalawang turista naligo sa lugar bandang ala-una ng hapon ay wala na umanong malay ang biktima.
Bagamat naisugod pa ito sa pagamutan ng Boracay First Responder, pero hindi na na-revive pa ang bikitima.
Apat na oras din ang nakalipas matapos ang insidente, isang 21-anyos din na Canadian National ang nasagip ng mga Life Guards area ng Station 2 sa Boracay.
Sinasabing nasa impluwensiya ng alak biktimang si Emily Janairan nang lapatan ito ng paunang lunas ng Life Saver.
Agad ding naka-recover ang biktima matapos itong isugod sa Boracay Hospital.
No comments:
Post a Comment