Sariling drainage ng Boracay National High School sa Balabag
ang problema.
Ito ang inihayag ni Emily Jinky Alecante, Administrator ng Brgy.
Balabag, bilang sagot nito sa problema ngayon ng mga mag-aaral at mga guro sa
nasabing paaralan.
Ito ay dahil sa umano ay sumasakit na ang ulo ng mga ito sa
baho na dala ng tubig na pumapasok ng eskwelahan, galing sa hindi malamang
pinagmulan.
Pero, minsan na rin umano itong pinasilip upang malaman kung
ano ang suliranin at nakita na mismong nagmula aniya sa baradong drainage ng
paaralan ang problema.
Kung maaalala, dati na umano itong tinanggalan na ng bara
pero ang hindi nila alam ay kung bakit nagka-problema ulit.
Ayon kay Alecante, naaksiyunan na ng barangay ang problemang
ito at bawat reklamo umano ng mga guro kaugnay dito ay agad nilang tinutugunan
katuwang ang Boracay Island Water Company o BIWC para sa siphoning.
Subalit ang hindi umano malaman ngayon ng barangay kung
bakit, sa halip na sa barangay humungi ng tulong para ma-aksiyunan ang problema
ay sa media pa nagsumbong ang mga guro ng nasabing paaaralan.
Gayong inaaksiyunan naman nila ito, kahit pa wala manlang
umanong salamat na natatanggap ang council mula sa eskuwelahan.
Ganoon paman, handa pa rin umano ang barangay na ipa-follow
up sa council ang problemeng ito.
Kung maaalala, una nang sinabi ng mga guro ng paaralan na
ilang beses na rin nilang naidulog sa LGU at BIWC ang problema na ito subalit
wala naging tugon.
No comments:
Post a Comment