Pinaalalahanan ngayon ang Red Cross Boracay na silipin din ang mga private clinic sa isla.
Ito ay kasunod sa napababalitang, di umano ay mahal maningil ng Ambulance Fee ang mga pribadong klinika sa isla kapag gagamit ng ambulansiya ang isang pasyente.
Dahil dito, nausisa ng Sangguniang Bayan ng Malay si Malay-Boracay Red Cross Administrator Marlo Shoenenberger nang magpresenta ito ng kanilang Accomplishment sa taong 2012, kamakalawa sa ginanap na 8th Regular Session.
Bilang tagapamahala ng isang ambulansiya sa Boracay, nilinaw ni Shoenenberger na naniningil talaga ng Ambulance Fee ang mga pribadong klinika.
Pero kung ambulansiya umano ng Red Cross ang ginagamit, fix na sa isang libo at limang daang piso ang charges nila sa pasyenteng turista lamang na may mga travel insurance.
Ngunit paglilinaw nito, kapag Boracaynon ang mangailagan, wala o hindi umano naniningil ang Red Cross sa mga ito.
Ganon paman, inatasan ni SB Member Jonathan Cabrera si Shoenenberger na i-monitor ang mga klinika sa isla kung tama ba ang kanilang singil sa bawat serbisyo ng ambulansiya ng Red Cross.
Una rito nagpahayag din ng pagkadismaya si SB Member Rowen Aguirre kung bakit may mga klinika at pagamutan sa Malay at Boracay na hanggang sa ngayon ay walang sariling ambulansiya.
No comments:
Post a Comment