Nagpapagaling na ngayon sa ospital sa bayan ng Kalibo ang isang
lineman ng Aklan Electric Cooperative dahil nakuryente kagabi sa Boracay.
Inabot naman ng mahigit dalawampung oras na nakabitin ang
biktimang kinilalang si Leonardo Alejandro sa poste ng Akleco bago maibaba.
Nabatid mula sa kapwa nito lineman na si Rey Villanueva, na
natagalan ang pagkuha nila sa biktima.
Pero hindi naman umano nagtagal talaga sa pagkakakuryente si
Alejandro, dahil agad din itong kumawala at naka-recover habang nasa taas pa.
Subalit, dahil sa nakasuot umano ng safety belt si Alejadro,
nagtagal itong nakabitin sa poste, kaya hinimatay muna ito at sa kabutihang
palad ay naibaba naman at agad na
isinugod sa Boracay Hospital.
Matapos umanong magtamo ng bukol sa ulo, wala nang iba pang
pinsala sa katawan ang biktima sa kabutihan palad, at ligtas na sa ngayon.
Nakuryente umano si Alejandro habang kinukumpuni nito ang
isang transformer ng Akelco sa Main Road Manggayad Barangay Manoc-manoc kagabi,
ika-8 ng Marso.
No comments:
Post a Comment