Nagtataka ngayon ang pamliya Alvares sa New Buswang, Kalibo, Aklan bakit namumugto ang mga mata ni Birheng Maria at pinapaniwalaang lumuha umano ito ng dugo.
Bagay na nais nila ngayon araw ika-5 ng Marso na ipakita ito sa Simbahang Katolika para maipasuri at malaman kung ano ang eksplinasyon kaugnay dito.
Sa impormasyong na nakalap, kahapon ng tanghali, isang 14-anyos na binatang si Samuel Alvares di umano ang nakapansin sa nagdurugong imahe na ito na nakalagay sa kanila altar.
Pag-aari umano ito ng kaniyang tatay at nanay na si Ofelia Alvares na nakuha pa nila noong Disyembre sa Capiz Divine Mercy.
Ayon sa bata, habang nagpapahinga ito bago bumalik sa paaralan pagkatapos ng pananghalian, nakaramdam ito ang malamig na ihip ng hangin rason para mabuklat ang anumang nakaipit sa laminated na papel na ito na kasing-laki ng 1/4 na bond paper.
Kasunod umano nito, at tila may nauutos sa isip ng bata na lapitan ang altar, at doon tumambad sa mata nito ang may dugo nang larawan ng Birheng Maria.
Tinangka pa umano nitong punasan, subalit nasa loob ng laminated na larawan ang pulang likido.
Labis din silang nagtataka, kung saan nagmula ang pula na likido gayong kulay puti naman ang larawan na may itim.
Doon na umano ito kinabahan at ipinakita sa ina ang larawan.
Mula naman umano sa matingkad na kulay, ilang oras ang nakalipas at natuyo na rin ang nasabing dugo.
Sa impormasyon, gabi-gabi umanong dinadasalan ang pamilya Alvares ang litratong itong, subalit dahil sa naging abala sila, kaya may tatlong araw na umano nilang hindi nakapagdasal.
No comments:
Post a Comment