Hindi na pwede ang mga ATV at bug cars sa main road sa Boracay.
Ito ang nilinaw ni Malay Transportation Officer Cezar Oczon, sa panayam dito kahapon.
Kasunod ito ng pagpapatupad nila sa Memorandum Order ni Mayor John Yap alinsunod sa implementasyon ng Ordinance No. 243 S 2012.
Sapagkat, simula umano nitong a-uno ng Marso ay pormal na nilang ipapatupad ng mahigpit na pagbabawal sa mga “all terrain vehicles” o ATV at bug cars sa mga pangunahing kalye sa Boracay.
Dahil dito, ayon kay Oczon, hangang Area ng Mount Luho lamang ang operasyon, bagay na pinaalalahanan na rin umano nila ang mga operator ng aktibidad na ito.
Bagamat buwan pa umano ng Oktobre nitong nagdaang taon ibinaba ng Alkalde ang kautusan, subalit dahil nanghingi umano ng extension ang mga operator ay pinagbigyan nila ito.
Ngunit umpisa umano ngayon buwan hindi na pwedeng dumaan pa ang ATV at mga bug cars sa main road kahit na ang papunta sa area ng Yapak.
Samantala, dahil sa balak ng LGU Malay na ilipat sa mainland ang operation ng aktibidad na ito.
Sinabi naman ngayon ni Oczon, na hindi pa talaga handa ang mainland sa ngayon dahil may mga bagay pang dapat ayusin.
No comments:
Post a Comment