Nakatakda nang kasuhan ang mga security guards na sangkot sa walang habas na pagpapaputok sa pinag-agawang lupa sa Sitio Balinghai, Barangay Yapak nitong Lunes.
Sa 14 na guwardiya mula sa tatlong security agencies na sangkot at inimbitahan para imbestihan kaugnay sa nangyaring tensiyon sa isang lupain doon, dalawa sa mga ito ang nasa kustodiya ngayon ng Boracay Pulis na siyang itinuturo ng mga guwardiya na nagpaputok noong Lunes ika-4 ng Marso.
Siyam na mga baril na kinabibilangan ng 0.9mm pistol at shotgun naman ang nasa panga-ngalaga ngayon ng awtoridad mula sa mga guwardiyang ito gayun din 6 na gulok na siyang ipipresenta nila ngayong araw sa prosekyusyon.
Ayon kay PO2 Aven Dela Cruz ng Boracay Police, bagamat ngayong araw ay nakatakda nilang isampa ang kaso sa prosecutors office.
Nasa prosecution pa rin umano ang pag-determina kung anong nararapat na i-kaso sa mga ito.
Sa ngayon ay “illegal discharge” o walang habas na pagpapaputok ng baril ang reklamo sa mga guwardiyang ito na hindi muna pinapangalan sa ngayon.
No comments:
Post a Comment