YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, March 07, 2013

Mga nabigyan ng violation order ng Task Force Moratorium sa Boracay, umabot sa 30 establishments

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Umabot ng halos 30 establishemento sa Boracay ang nabigyang ng violation order simula ng ikasa ang Task Force Moratorium noong Marso ng taong 2012.

Ayon kay Malay Municipal Engineer Elezer Casidsid, sa loob ng isang taong pagpapatupad ng Moratorium on Building Construction sa isla, karamihan sa mga nabigyan nila ng violation order ay mga boarding houses.

Sinabi pa nito na kalimitan umano sa mga lumabag na establisemento ay mga bago pa lamang at walang permit para sa konstraksiyon mula sa LGU, makaraang nagsagawa ng inventory ang mga Building Officials ng Bayan at Task Force.

Habang ang iba naman ay may problema lamang ang mga gusali, pero mga minor lang ito na agad din umano ay inayos ng may-ari, gayon din ang mga walang permit umano ay kumuha na ngayon.

Kung matatandaan, Marso noong 2012 ay inilunsad ang Task Force Moratorium na nitong a-uno ng buwan  batay sa Executive Order # 2012-003 na binaba ni Malay Mayor John Yapay nagtapos na.

Layuni ng EO o pagbuo sa Task Force ay upang ma-monitor ang mga illegal na gusali o istraktura sa Boracay at maitama umano. 

No comments:

Post a Comment