Mahigit P25-milyon ang balak ngayong utangin ng lokal na pamahalaan ng Malay para sa Municipal Land Fill ng bayan.
Dahil dito, sinisimulan nang isabatas ng Sangguniang Bayan ng Malay ngayon ang panukala kaugnay dito.
Gayon din ang pagbibigay ng awtorisasyon nila kay Malay Mayor John Yap na makipag-negosayon sa isang banking institution.
Layunin ng pag-utang ng LGU umano ay upang ipambayad balanse ng bayan sa kontraktor ng Land Fill.
Kung maaalala, nitong nagdaang taon ay naka-utang na ang LGU sa isang bangko sa bayan ng Kalibo na siyang ginamit naman sa kontraksiyon ng Land Fill.
Subalit, ang proyekto ay nagkakahalaga umano ng P40-M, kaya kulang ito pambayad sa kontraktor.
No comments:
Post a Comment