Umabot sa mahigit kumulang P240,000.00 ang danyos sa nangyaring sunog sa Boracay noong Sabado.
Ito ang napag-alaman mula kay Bureau of Fire Protection Boracay Investigator F03 Franklin Arubang, makaraang lamunin ng apoy ang siyam na pamamahay sa Sitio Tulubhan Brgy. Manoc-Manoc nitong Sabado ng hapon.
Ayon kay Arubang, sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan kung ano ang pinag-mulan ng sunog.
Subalit batay umano sa mga naka-saksi, nagmula ang sunog sa staff house ng isang spa sa isla na pinagmamay-arian umano ni Verlin Dela Cruz.
Wala naman naitalang nasugatan dahil sa pangyayari.
Ang sunog na nangyari noong Sabado ika-2 ng Marso, ay siyang unang sunog na naitala sa Boracay ngayon na sa Fire Prevention Month ngayon buwan na sinimulan nitong a-uno.
No comments:
Post a Comment