Lugar na lamang talaga ang kulang para paglipatan ng
Caticlan Elementary School, upang hindi na maistorbo ang mga mag-aaral.
Ito ang pahayag ni Malay Administrator Godofredo Sadiasa sa
panayam dito kaugnay pa rin sa patuloy na ginagawang pagpapalapad sa
Caticlan/Boracay Airport.
Kung saan sa ngayon ay sinisimulan ng alisin ang ilang
pamamahay na nasa loob ng perimeter ng nabiling lupa ng developer na bahagi ng
gagawing pagpapa-unlad sa paliparan.
Bagamat may katagalan na ang usaping ito, nilinaw ni Sadiasa
na naumpisahan na rin ang negosasyon sa gitna nila at ng developer kung saang
area ilalagay ang paaralan, subalit sa ngayon wala pa umanong natukoy na
paglalagyan.
Sa bahagi naman umano ng lokal na pamahalaan ng Malay,
ninamadali na rin nila ang bagay na ito upang hindi na maapektuhansana ang mga mag-aaral sa development na
nangyayari sa lugar.
Paglilinaw pa nito, ang nabili umanong lupa ng LGU Malay sa
area ng Tabon ay hindi para sa eskwelahan, kundi para pagsasa-ayos ng pantalan
doon at balak na patayuan ng ospital.
Kung maalala, ilang beses na ring nanghingi ng tulong ang
mga Barangay Officials ng Caticlan gayon din ang mga guro sa pamahalaang nasyonal
at maging sa dating Pangulo ng bansa at sa ilang departamento.
Subalit hanggang sa ngayon ay nananatili parin ang problema
at nagtitiis parin sa kanilang klase ang mga estudyante dahil malapit lang ang
paaralang ito sa runway ng paliparan.
No comments:
Post a Comment