Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bahagyang tumaas ang presyo ng mga gulay sa probinsya ng
Aklan matapos manalasa ang super typhoon Yolanda.
Ayon kay Moises Inamac ng Department of Agriculture, Malaki umano
ang itinaas ng mga presyo ng mga gulay na dito mismo sa Aklan nag-mumula.
Meron din aniyang nagkakahalaga dati ng 60 pesos na ngayon
ay umaabot na sa isang daan o mahigit pa.
Nabatid rin na kukunti na lang ang suplay ng mga gulay sa
Aklan kung kaya’t nagtaas ng presyo ang mga supplier nito.
Ayon pa kay Inamac, normal parin ang presyo ng mga gulay katulad
ng carrots at patatas na mula sa ibang lalawigan na hindi sinalanta ng bagyo.
Nag-paalala naman ngayon ang DA na dapat ay hindi lumagpas
sa sampung porsyento ang presyo ng mga gulay sa tuwing may kalamidad.
Samantala, patuloy parin ang ginagawang monitoring ng
Department of Agriculture (DA) sa mga pangunahing pamilihan sa Aklan partikular
na sa bayan ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment