Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kaagad isinugod sa ospital ang isang Chinese
National matapos maaksidente habang nasa Kite Boarding Lesson kahapon.
Ayon sa report ng Philippine Coast Guard (PCG)
Boracay Substation, bandang alas 11:55 habang nasa isang private kite boarding
lesson ang Chinese National na si Li Jun, 40, ng Beljing China nang
aksidenteng bumangga sa seawall ng isang resort sa Brgy. Balabag Boracay.
Agad na ni-rescue ng mga Red Cross Voluteers ang
nasabing Chinese National at dinala sa ospital, pero dahil sa malubhang pinsala sa ulo at ibang parte ng katawan ay minabuti
itong ilipat sa ibang ospital.
Samantala, kasalukuyan paring naka-confined sa
isang pribadong hospital sa Kalibo ang nasabing biktima.
No comments:
Post a Comment