Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpa-oath taking o pinasumpa ni Vice Mayor Wilbec Gelito
ang ilang nanalong kandidato sa baranggay election sa bayan ng Malay nitong
Martes.
Ang nasabing seremonya ay sinaksihan ng kani-kanilang
pamilya sa harap ng bise alkalde.
Inaasahan na sa darating na unang linggo ng Disyembre ay
uupo na sa kanilang puwesto ang mga nanalong kandidato.
Napag-alamang hanggang ngayong katapusan na lang ng
Nobyembre ang panunungkulan ng mga baranggay officials na nagtapos sa kanilang
termino, kasabay ng SK o Sangguniang Kabataan.
Samantala, nagkaroon naman ng oath taking ceremony ang mga re-elected
at newly elected officials ng baranggay Balabag kahapon ng umaga.
No comments:
Post a Comment