Ni Jay-Ar Arante, YES FM Boracay
Natagpuan na ang Estonian National na nawala noong
kasagsagan ng bagyong Yolanda sa isla ng Boracay.
Base sa advisory na ipinadala ng Boracay
Re-development Task Force (BRTF), ipinag-bigay alam na umano sa kanila ng
Kunsolado ng Estonia na nakita na si Lasse Hanman.
Matatandaang inaksyunan din ng Boracay PNP, katuwang
ang DOT ang pagkawala ng nasabing Estonian National sa isla noong humahagupit
ang Super Typhoon Yolanda.
Ito’y matapos silang makatanggap ng sulat mula
mismo sa Consulate Generalng Republic of Estonia kung saan humihingi sila ng
tulong tungkol sa pagkawala nito.
Napag-alaman na huling namataan ang trenta-anyos na
si Hanman noong araw ng Biyernes sa isang bar sa Boracay.
Nagpapasalamat naman ang BRTF sa lahat ng mga
tumulong at naglaan ng effort para mahanap ang naturang Estonian National.
No comments:
Post a Comment