Ni Jay-Ar Arante, YES FM Boracay
Sa kabila ng pananalasa ng super typhoon Yolanda ay
unti-unti na ngayong bumabangon ang isla ng Boracay.
Kung saan puspusan na ang ginagawang pagkukumpuni
ng mga may-ari ng establisyementong naapektuhan ng bagyo.
Patuloy na rin sa ngayon ang pag-momonitor ng mga
otoridad at ng lokal na pamahalaan ng Malay sa mga bahay na naapektuhan ni
Yolanda.
Nagpapasalamat naman ang ilang mga residente sa
isla dahil hindi gaanong nagtagal ang bagyo sa probinsya ng Aklan at hindi kalakihan ang pinsala na naidulot nito sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment