Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Very Minimal.
Ganito inilarawan ni DOT Boracay Officer In Charge
Tim Ticar ang epekto ng bagyong Yolanda sa mga tourism facilities sa isla.
Sa ginanap na Post Typhoon Yolanda Assessment and
Evaluation ng Department of Tourism (DOT) nitong Sabado.
Sinabi ni Ticar na operational ang lahat ng resorts
sa isla, matapos bayuhin ng super typhoon Yolanda nitong nagdaang linggo.
Maliban dito, kampanti ring sinabi ni Ticar na
normal at operational ang mga airport, sea ports at transport sa Aklan kasama
na ang Boracay.
Matatandaang maliban sa mga bahay na nasira dahil
sa pananalasa ng nasabing bagyo sa isla, naapektuhan din ang komunikasyon at
suplay ng kuryente dito.
No comments:
Post a Comment