Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Sinaluduhan ng Holy Rosary Parish ang LGU
Malay dahil sa patuloy na re-development sa isla ng Boracay.
Sa thanks giving mass ng mga taga Boracay
Foundation Incorporated at LGU Malay kahapon ng umaga kaugnay sa pananalasa ng
bagyong Yolanda nitong nagdaang linggo.
Sinabi ni Reverend Father Nonoy Crisostomo na sinasaluduhan
nya ang aksyon at buong tapang na pagpapatupad ng local na pamahalaan ng 25+5
meter easement sa isla.
Samantala, sinabi pa ni Crisostomo na malungkot
mawalan ng negosyo o pangkabuhayan.
Pero umaasa umano sya na maiintindihan din ng
mga may-ari ng mga nasabing estblisyemento kung ano ang magandang maidudulot ng
redevelopment sa isla at sa mga susunod pang henerasyon.
Iginiit pa ni Crisostomo na hindi sa dahil
kapamilya o kakilala ay exempted na sa batas. Bagkus dapat umanong makita ang
tama at mali at kung ano ang magandang maidudulot nito sa bawat isa.
No comments:
Post a Comment