Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Paiimbistigahan ng SB Malay ang mga establisyemento at
mga bahay na nakatayo sa gilid ng River banks sa baranggay Caticlan.
Sa privilege hour ng SB session kahapon ng umaga, sinabi
ni SB Member Floribar Bautista na masyado nang marami ang mga nagpapatayo ng
bahay doon at ilang insprastraktura na illegal.
Aniya, dilikado rin ang mga ito dahil kung umapaw ang
tubig sa nasabing ilog ay higit na maapektuhan ang mga ito.
Sa ngayon umano ay mayroon paring patuloy na nagpapatayo
ng mga construction building doon na nakaka apekto sa mga nipa trees sa gilid
ng ilog.
Gusto namang malaman ni Bautista na kung ang mga ito ay
may sapat na permit at tax declaration mula sa LGU Malay.
Kaugnay nito, ikinabahala naman ng mga konsehal ang
pagdami ng mga establisyementong nakatayo sa Caticlan na naging dahilan sa pagsikip ng
mga kalsadahin.
No comments:
Post a Comment