Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinatuwa ng konseho na naging zero casualty ang bayan ng
Malay dahil sa maagang preperasyon sa nagdaang bagyong Yolanda.
Katunayan isang resolution ang ipinasa ni SB Member Rowen
Aguirre, Chairman ng Committee on Laws and Ordinances.
Ito’y bilang pagkilala para sa mga taga MDRRMC o Municipal
Disaster Risk Reduction Management Council, Boracay Action Group, PNP Malay,
Boracay Tourist Assistance Center, Philippine Army at baranggay officials ng
Malay dahil sa maagang preperasyon nila sa super typhoon.
Sa darating na session sa Martes muling tatalakayin kasama
ng iba pang miyembro ng konseho ang inihaing resolusyon ni Aguirre.
Nabatid na noong papasok palang ang bagyong Yolanda sa
Eastern Visayas ay nagkukumahog na sa paghahanda ang mga local officials ng
Malay,at mga otoridad kung kaya’t walang naitalang nasawi dulot ng nasabing bagyo.
No comments:
Post a Comment