Ni Christy dela Torre, YES FM Boracay
Bukod sa mga kabahayan at ilang ari-ariang nasira
ng kalamidad, apektado rin ang operasyon ng ilang mga bangko sa isla particular
na ang mga ATM Machine.
Kung saan sa kasalukuyan, tanging ang ATM Machine
lamang ng Metro Bank ang gumagana.
Gayunpaman, ayon sa source ng naturang bangko,
bagama’t marami ang pumipila upang mag-widraw, siniguro nitong “sufficient” ang
perang laman ng ATM Machine.
Ngunit dahil sa kawalan ng kuryente, at tanging
generator lamang ang kanilang ginagamit hanggang alas-diyes lamang umano ng
gabi ang operasyon ng ATM Machine.
Samantala, sa mga card holder naman ng Metro Bank,
maaari naman umanong mag-widraw ng pera over the counter.
Subalit ipinag-diinan nitong dapat ay card holder
lamang ng Metro Bank Boracay, dahil kapag sa ibang bangko umano nakapangalan.
Kailangan pang magpakita ng letter of approval mula
sa bangko kung saan naka-ugnay, bago nila tatanggapin ang gagawing transaksyon
sa Metro Bank.
No comments:
Post a Comment