Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ang BRTF o Boracay Redevelopment Task
Force ang muling nagparamdam ng kanyang puwersa ngayong araw.
Ito’y matapos idimolish na ng BRTF ang
isa sa mga establisemyentong tumatak sa beach front ng isla ng ilang dekada, ang
Charl’s bar.
Bandang alas-sais ng umaga kanina nang
kinurdun ng mga taga Boracay PNP at Malay Municipal Auxiliary Police ang
paligid ng naturang bar.
Inakyat naman ng mga magdi-demolish
ang bubong nito at sinimulang gibain ang lahat ng bahagi nito.
Kamakailan lang, naging usap-usapan sa
isla kung matatanggal ba at kung kailan tatanggalin ang Charl’s bar na sinasabing
pagmamay-ari ng mga kamag-anak ni Malay Mayor John Yap at BRTF Chairman at
Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño.
Ayon naman sa mga taga BRTF, maaaring
masundan pa ang demolisyon ngayong araw.
No comments:
Post a Comment