Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nagpapasalamat ngayon ang Aklan Electric
Cooperative (AKELCO) hinggil sa binuong “Task Force Kapatid” ng gobyerno para
sa lalawigan ng Aklan.
Ito ay matapos na magpadala ng mga foremen at
linemen galing sa iba’t-ibang mga electric cooperative sa Luzon ang opisina ni
Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, Department of Energy (DOE), at National
Electrification Administration (NEA).
Nagpadala din ang mga ito ng boom truck at boom
crane upang mapadali ang pagpapatayo ng mga poste at pagsasaayos ng mga linya
sa probinsya.
Samantala, ang MERALCO naman sa pamamagitan ng
Global Business Power Corporation (GBPC) ay nagpadala rin ng apat na grupo para
tumulong.
Sa ngayon ay hinihiling ng AKELCO sa mga myembro –konsyumidor
na kung maaari ay bigyan ng magandang pakikitungo ang mga myembro ng nasabing
task force na pupunta sa kanilang bahay para ayusin ang linya ng mga kuryente.
Sinisiguro naman ng AKELCO na mapapadaling aksyunan
ang problema ngayon sa kuryente ng probinsya.
No comments:
Post a Comment