Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard
(PCG) Boracay Substation, bandang alas 12:00 ng tanghali kahapon nang bigla
nalang umanong nahulog sa kanyang nirerentahang jetski sa tinatayang 350 meters
mula sa shoreline ng Angol Point, Brgy. Manoc-Manoc Boracay ang 38 anyos na
Arabian National na nakilala kay Mr. Fahad Abamari ng Jeddah Alnazh, Kingdom of
Saudi Arabia.
Agad naman itong dinala sa Ciriaco S. Tirol
Memorial Hospital subalit binawian na ito ng buhay bandang ala una ng hapon
dahil sa atake sa puso.
Nasa isang funerarya ngayon sa bayan ng Malay ang
labi ng biktima para sa karampatang disposisyon.
No comments:
Post a Comment